Pambansang awit ng Villa #14
Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko makakaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Minsan madarama mo
Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema’y tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin meron kang kasama
Narito ako oh, Narito ako
Sa mundo ng kawalan
Hawak-kamay, Hawak-kamay
Sa mundo ng kawalan
December 18th, 2006 at 4:23 am
hahaha!!! lolz
sabayan ko pa sa pag-awit.. napapangiti lang ako sis habang binabasa ko at napapakanta ng “hawak kamay, di kita iiwan…”
hay naku sana lang may totoong ganyan ano?
cge lang, namnamin mo lang ang kaligayahang nararamdaman mo… basta ang payo ni ate wag kalimutan ha…
pero mas maganda kung nakapost din dito pic nyo :p
luv u! mwah!